R u Ready?

my blog. not down with it? two words... s*ck it!

Friday, August 26, 2005

walang pera!

ha! siguro nga isa nanaman ito sa mga rant ko! sus! biruin mo kakasweldo lang pero wala akong pera!

kagabi, mga alas 11 ng gabi na ako naka alis ng Makati. wag ng itanong kung bakit. buti na nga lang at 11:20 ang huling biyahe ng Train mula sa Taft station.

pag baba ko sa train, nag text sa akin ang kapatid ko: "kuya bili ka daw ng condensada at tide nature fresh".

ayos, sarado na ang SM ng ganung oras diba? daan ako ng Mini Stop... stop muna, kasi wala na pala akong pera. naisip ko na mag withdraw at bagong sweldo naman. inisip ko din kung saan kasi gabi na. sa SM ba o dun sa kanto ng West ave at EDSA. syempre sa SM ako at mas "safe" ika nga. madilim kasi dun sa isa at may malapit na mga bahay ng aswang (mga taong sa gabi nabubuhay)

pag dating ko sa isang ATM sa SM, kinuha ko ang wallet at card. ipinasok ko sa ATM ang card...

oooohhhhhhh! ang sarap!!! ang sarap talaga nung ipinasok ko!!!! ooooohhhhhh!

ANG SARAP NG BAGONG SWELDO (naughty ka talaga!)


ayos! 800 lang ang kinuha ko kasi di ako nag dadala ng malaking halaga sa wallet. ang 300 ay para sa ticket ng MRT... ang 500 naman ay sa kung saan na, gaya ng pamasahe at pagkain.

ayan na! oooohhhh! lalabas na! ahhhhhhh!!!! lalabas na talaga!!!! ayan na!!!!

YUNG CARD AT PERA NA KINUHA KO! (ikaw talaga, ma-L ka ha)

habang inaabangan kong labasan ang ATM machine NG PERA (ayan ha, malinaw! pera) tila na-stuck ang card ko sa loob kasi kakaiba ang tunog.

p'cha! sya nga! nakuha ng machine ang card ko at di na ako nakapag withdraw! ouch!!!! kung kelan naman kailangan ng pera dun naman mawawala. waaaaaahhhhhh!!!!!!!!!

kaya naman over-the-counter ako mamaya... at malaki ang kukunin ko kasi ilang araw din ako di makaka withdraw, bukod sa walang ATM card ay weekend. ayos talaga!


ayaw ko magdala ng malaking pera sa wallet ko! ewan ko ba.

1 Comments:

At 12:30 PM, Blogger kaye ^_^ said...

kaya pala nkita ka nmen ni franz sa BPI nung araw na to! un pla ang istorya. . whahaha ^_^

 

Post a Comment

<< Home