R u Ready?

my blog. not down with it? two words... s*ck it!

Wednesday, August 31, 2005

tinapay ng buhay

maikli lang ito...

noong linggo ng umaga, pumunta ako kila Aileen.

bumili ako ng 2 Gogo Sandwich sa KFC para mirienda namin.

nsa seven-11 na ako malapit sa kanila nang makita ko ang isang matandang babae na naka upo sa labas ng nasabing convenient store. tinititigan ko sya habang naglalakad ako. isa sya sa mga palaboy sa daan, yung mga walang maayos na bahay at ang buhay ay paghingi ng ikabubuhay sa kapwa. sarap na sarap sya sa pagkain ng tinapay.

hindi ko alam pero baka yun na ang pagkain na laman ng tiyan niya sa araw na iyon.

palayo na ako sa matanda ng marinig ko sya... "kain ka..." na may ngiti pa sa labi nya at pilit na inaabot ang tinapay sa akin.

akalain mo inalok pa ako ng matanda na makihati sa kinakain nya! sya na kitang kita mo na walang kaya sa buhay, sya na di mo alam kung kailan ulit kakain, sya na di mo alam kung saan magpapalipas ng gabi. natuwa ako sa kanya at nginitian nalang.

talagang sila ang mga pinagpala. mga taong sa langit pupunta pag nakalimutan na nilang huminga. sayang lang at ako ay walang naibigay sa matanda...

sana may next time pa, para makita ko sya, para naman sya ang bigyan ko ng tinapay at masabing... "Kain po kayo, lola"



maikli lang diba???

0 Comments:

Post a Comment

<< Home