R u Ready?

my blog. not down with it? two words... s*ck it!

Wednesday, August 31, 2005

tinapay ng buhay

maikli lang ito...

noong linggo ng umaga, pumunta ako kila Aileen.

bumili ako ng 2 Gogo Sandwich sa KFC para mirienda namin.

nsa seven-11 na ako malapit sa kanila nang makita ko ang isang matandang babae na naka upo sa labas ng nasabing convenient store. tinititigan ko sya habang naglalakad ako. isa sya sa mga palaboy sa daan, yung mga walang maayos na bahay at ang buhay ay paghingi ng ikabubuhay sa kapwa. sarap na sarap sya sa pagkain ng tinapay.

hindi ko alam pero baka yun na ang pagkain na laman ng tiyan niya sa araw na iyon.

palayo na ako sa matanda ng marinig ko sya... "kain ka..." na may ngiti pa sa labi nya at pilit na inaabot ang tinapay sa akin.

akalain mo inalok pa ako ng matanda na makihati sa kinakain nya! sya na kitang kita mo na walang kaya sa buhay, sya na di mo alam kung kailan ulit kakain, sya na di mo alam kung saan magpapalipas ng gabi. natuwa ako sa kanya at nginitian nalang.

talagang sila ang mga pinagpala. mga taong sa langit pupunta pag nakalimutan na nilang huminga. sayang lang at ako ay walang naibigay sa matanda...

sana may next time pa, para makita ko sya, para naman sya ang bigyan ko ng tinapay at masabing... "Kain po kayo, lola"



maikli lang diba???

EV coding

nasabi ko na sa isang post ko na makailang beses na gumawa na kami ng isang project involving programming (VB Editor). Masaya ako dito dahil nagagamit ko yung napag aralan ko sa eskwela. sa ginagawa naming report, gumagamit kami ng isang "formatted" excel sheet at isang fast agent na parang DOS/Mainframe program.

may suhestyon ako na dapat sasabihin syo ng EV (ito yung excel file) na mali ang ginawa mo... so pauulitin ka. importante kasi na tama lahat ng nilalagay namin na data. lam mo na... so gumawa ako ng pang-check o "Error Handling Code" dun sa EV. pag nakita ng mga boss namin yun at napag pasyahan na gamitin ito, maaaring mawala na ang mga error namin sa pag gawa. yun ang mahalaga, mawala ang mga error.

sana... sana lang :-)

Friday, August 26, 2005

walang pera!

ha! siguro nga isa nanaman ito sa mga rant ko! sus! biruin mo kakasweldo lang pero wala akong pera!

kagabi, mga alas 11 ng gabi na ako naka alis ng Makati. wag ng itanong kung bakit. buti na nga lang at 11:20 ang huling biyahe ng Train mula sa Taft station.

pag baba ko sa train, nag text sa akin ang kapatid ko: "kuya bili ka daw ng condensada at tide nature fresh".

ayos, sarado na ang SM ng ganung oras diba? daan ako ng Mini Stop... stop muna, kasi wala na pala akong pera. naisip ko na mag withdraw at bagong sweldo naman. inisip ko din kung saan kasi gabi na. sa SM ba o dun sa kanto ng West ave at EDSA. syempre sa SM ako at mas "safe" ika nga. madilim kasi dun sa isa at may malapit na mga bahay ng aswang (mga taong sa gabi nabubuhay)

pag dating ko sa isang ATM sa SM, kinuha ko ang wallet at card. ipinasok ko sa ATM ang card...

oooohhhhhhh! ang sarap!!! ang sarap talaga nung ipinasok ko!!!! ooooohhhhhh!

ANG SARAP NG BAGONG SWELDO (naughty ka talaga!)


ayos! 800 lang ang kinuha ko kasi di ako nag dadala ng malaking halaga sa wallet. ang 300 ay para sa ticket ng MRT... ang 500 naman ay sa kung saan na, gaya ng pamasahe at pagkain.

ayan na! oooohhhh! lalabas na! ahhhhhhh!!!! lalabas na talaga!!!! ayan na!!!!

YUNG CARD AT PERA NA KINUHA KO! (ikaw talaga, ma-L ka ha)

habang inaabangan kong labasan ang ATM machine NG PERA (ayan ha, malinaw! pera) tila na-stuck ang card ko sa loob kasi kakaiba ang tunog.

p'cha! sya nga! nakuha ng machine ang card ko at di na ako nakapag withdraw! ouch!!!! kung kelan naman kailangan ng pera dun naman mawawala. waaaaaahhhhhh!!!!!!!!!

kaya naman over-the-counter ako mamaya... at malaki ang kukunin ko kasi ilang araw din ako di makaka withdraw, bukod sa walang ATM card ay weekend. ayos talaga!


ayaw ko magdala ng malaking pera sa wallet ko! ewan ko ba.

Thursday, August 25, 2005

rave

Yes! no more Canadian Hotels for me! down to 205 Hotels

AYT! :-)

Tuesday, August 23, 2005

<_<

Rant lang... 220 ang handle ko na hotels, US and Canada. + 2 pa!!!! arghhhhhhh!

hindi madali ito ano! yung iba 180-190 lang. Ayos!

Thursday, August 18, 2005

ay syet, san ang wallet?

6:30Am ako kadalasan umaalis sa bahay, nagmamadali para di ako ma-late sa office. kinuha ko ang baon ko, perang pamasahe at bag. lumabas ako ng bahay at nag paalam kay Sacha (ang aso kong maganda), nagpaalam at kumaway sa aking ina, nag mis col kay aileen para magpahiwatig na ako ay aalis na, at humingi sa Diyos ng gabay at pagpapala para sa araw na ito.

lagi ko din nilalakad mula bahay hanggang EDSA, mga 5 minuto lang naman ito, malapit lang. sumasakay ako ng bus na lokal papuntang MRT. nakatayo ako sa bus, malapit sa pintuan at katabi ng drayber. galit na galit na sumisigaw ang drayber tuwing may gustong bumaba, "bawal dito, bawal dito, huhulihin tayo" ika nya. may mga MMDA na kasing nag aabang sa at itinuturo ang tamang lugar ng babaan.. (sana ganito na lagi sa Pilipinas, may disiplina at lahat ay nasa lugar. ang gandang tignan!)

nang makarating ako sa MRT North EDSA station, nagmamadali akong maglakad para marating agad sa ticket booth. inalis ko agad ang backpack ko at tinignan ang mga lalagyan, para i-check lang ang mga gamit............................

laking gulat ko na bukas na bukas ang isang bulsa ng bag kooooooooooooooooooooooooo!!!!

doon ko nilalagay ang aking walleeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet!!!

doon din nakalagay ang alcohol at pabango kooooooooooooooooooo!!!

dali dali ko ipinasok ang aking kamay sa napaka laking bulsa ng bag kooooooooooooooooo!!!

kinapa ko kung lahat ng gamit ko ay nasa loob paaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!

at ayun, nalaman ko na wala na ang wallet kooooooooooooooooooooo!!!

ayt!!!!!!!!!!!!!!!!

madalas ko kasi naka sukbit sa harapan ko ang backpack ko, imbis na sa likooooooood!!!

dahan dahan na umalis ang bus at dali dali naman lumipas ang ilang sandali na di ko na alam ang gagawin ko. dahan dahan ng umaalis ang wallet ko at baka nadukutan na ako!

nasa wallet ko 30php na koleksyon ko na pera, isang 20php na malutong at may kakaibang pabilog na print sa gilid, at isang 10php na malutong pero luma na ang print (si mabini lang ata ang nakalagay). andun din ang dalawang payslip ko, ATM card, ilang ID, Credit card, isang MRT Stored Value Ticket na 100 pa ang value, 300php at picture ng mahal ko. buti nalang at nabigay ko na sa nanay ko ang 500php na kulang ko sa pambayad ng kuryente.

bakit ganito ang buhay, minsan ka lang naging pabaya sa gamit mo... YEHEY agad ang aabutin mo! ano pa ba ang mas panget sa araw na ito? MERON! nakalimutan ko yung isa ko pang ticket sa MRT! ayossssssssssss!!!

buti nalang at may 28 pesos akong dala sa bulsa ko, sakto na para maka punta ng Makati. paakyat ako ng hagdanan at napansin ko na may 50php ako sa bulsa bukod sa 28php na dala ko. napaka buti ng Diyos!!! bukod sa mabuti Siya, tanga ako.... bakit? naalala ko na........















NAIWAN KO PALA ANG BULSA NG BAG KO NA BUKAS...






AT NAIWAN KO DIN SA BAHAY ANG WALLET KO


ayt!

Tuesday, August 16, 2005

'til Next Time

"Great team", said Brad. See you soon said Reid... speaking to the team

Brad told me.. "Be good man", then offered a closed fist, i responded and gave mine too.

We exchanged goodbyes and take cares...

... 'til next time!

Tim and HPS

Tim is our big boss... yesterday before he flew for Singapore he told us about our goal as a team, the importance of our work and the possible growth of HPS Manila. If successful, the new program RMH (Revenue Mgmt. for Hire) will bring a new twist and a new challenge for us not only growth in terms of numbers but also in opportunities. Hmmmm, that's good to know.

Friday, August 12, 2005

Training Day 5

malamang mag test lang kami ng mga bagong versions ng EasyViews, Macro_Queries at EV Templates. petiks muna (nanaman :-) friday e)

hindi ako nag agahan kaninang umaga, bakit? dahil hindi pa yata bumababa yung kinain ko nung dinner namin kagabi sa Shang. sus!!!! dami ng pagkain, masarap din naman... hehehe

may Chinese, Indian, Italian, Japanese at American Dishes dun! sa dami ng kinain ko parang nakalimutan ko na din ang pangngalan ko!

mamaya naman kakain kami ni mahal ko, kain kami ng double double cheese cheese burger sa McDo. AYT!

Thursday, August 11, 2005

Training Day 4

ayan! nakapag discuss na sila ng changes sa EasyView namin. Take note: less na ang time para gumawa nito. So! So mas madami na ang ibibigay na "ibang" trabaho sa amin. Madami na yung gumawa ka ng 2,700++ hotels in 4 days ano!!!!

haaaaay... later na ang dinner! Dinner ng Team HPS of the InterContinental Hotels Group... sa Shangri-La Hotel, Great!!!!

Wednesday, August 10, 2005

Training Day 3

May problema pa din sa ginagawa ni Brad na Macro. may bugs pa yata at mali ang Data na galing sa Decision Sciences kaya di pa natuloy ang training for EasyView. May bago naman pinakita sa amin si Greg, bagong reports nanaman gamit pa din ang excel at access. sa september pa daw sisimulan na gamitin... ayos

sana bukas maayos na ang lahat. may dinner din bukas, alas 6 ang simula. yung mga boss namin dito sa InterContinental hotels group ay nag check-in sa Shangri-La hotel... Ang galing diba! at sa Shangri-La na din ang dinner... ang galing talaga

ang galing din ng kumuha ng earphones ko! magaling kasi itinaon nya na wala ako nung kunin nya. lalong magaling dahil hindi lang yun ang kinuha, kasama pa ang extension cord (ito yung wire sa sinasaksakan ng earphones para kahit malayo ka na ay naka connect ka pa din)
punyeta talaga!!!!

buti nalang sweldo na! AYT!!!!

Tuesday, August 09, 2005

Training Day 2

Ang saya kahapon! wala palang training :-p Sa muli naming pagkikita, masayang batian at tawanan ang isinalubong ng mga boss namin at ganun din naman ang isinukli namin.

bukas pa kasi hindi pa naaayos ang ituturo sa amin ng mga boss. sana naman maayos na yun!

SRDT nanaman!!!! ayaw ko na!!!! ipinakita sa amin (ako, Keih at Joyce) ang website kung saan makikita ang survey para sa SRDT. gusto ng mga boss namin na kami ang mag maintain ng surveys at gumawa ng monthly report para dito. SRDT nga naman oh!

PUNYETA! nawawala ang Earphones at extension ko dito sa workstation ko!!!!!!!!!! mga taong walang magawa kundi manguha ng gamit ng iba (*ehem* janitor *ehem*)

isumpa na yang mga tao na ganyan!!!! <_<

Monday, August 08, 2005

Training Day 1

haaay, dito nanaman ang mga boss namin from the US. Greg, Reid and Brad. Start nanaman kami ng new trainings para sa reports and Hotel revenue Management namin. Pero ok lang at napaka bait at masayahin nila... siguro dahil na din sa magandang performance ng Team namin since nagsimula kami.

... "the Man and the Myth" ang sabi sa akin ni Brad. Teka, tama ba ang narinig ko?

Tuesday, August 02, 2005

Bata, Bata... Bakit ka pa Ginawa

noong nakaraang biyernes (Hulyo 29) ng umaga, habang ako ay naglalakad sa Buendia Station ng MRT para pumasok sa trabaho... may nakita ako.

sa hagdan ng istasyon ay may isang babae, marahil siya ay isang ina. sa tabi nya, sa lapag, sa malamig at matigas na semento ay nakahiga naman ang isang sanggol na malamang ay anak nya. gaya ng iba, madumi o di maayos ang mga damit nila. ang ina ay balot ng di ko malaman na tela, parang kumot at may bandana pa. ang anak naman ay naka sando lang... lalaki sya

malayo pa lang ay nakita ko na ang bata, natutulog ng mahimbing at walang pakialam sa mundo. nang nasa tabi ko na sila, ay nagising ang bata dahil na din siguro sa dami ng bumababa. iminulat nya ang kanyang mga mata at sakto naman ay napatingin ako. parang sya ay nangingilala kasi ngayon lang kami nagkita.

nag hihintay yung nanay na may maawa at maglapag ng ilang barya para sa kanila. ang bata naman ay kawawang nakahiga at tila isang display para makita ng mga dumadaan... na naghihintay din naman ng pag aaruga ng kanyang ina.

dumaan lang ako na ganun nalang. wala naman ako naiabot sa kanila at 10 piso nalang ang barya ko na sakto lang para sa pamasahe. sana may binaon akong tinapay para naibigay ko man lang sa kanila.

awang awa ako sa bata, walang muang, inosente. ano kaya ang mangyayari sa kanya sa mga darating na taon kung ganun ang kanilang kalagayan.



kaya naman... bata, bata, bakit ka pa ginawa?

Monday, August 01, 2005

SRDT... Sales and Revenue Diagnostic Tool

ang saya saya!!!

naalala ko nanaman ito <_< pero kwento ko na din at baka may mag basa...

ito ay nangyari noong Oktubre-Disyembre ng taong 2004. Ang ginagawa ng team namin (HPS o Hotel Performance Support ng IHG) ay gumawa ng Report para sa mahigit 2000 na hotel sa CANADA, MEXICO, ASIA PACIFIC at Estados Unidos.

... ETO, may karagdagan na ipinagawa sa amin ang mga boss namin sa US. Yun nga! SRDT ang pangalan... galing mo!

dito (SRDT) isinasaad kung naipapatupad ba ng Hotel ang mga ilang mga reporma, na ayon sa mga namamahala ay makakatulong sa pag unlad at pag laki ng "KITA" ng hotel. Ayos! hindi business management o commerce ang kinuha ko sa kolehiyo kaya kaunti lang ang naiintindihan ko dito. Gawa ito sa isang Excel Sheet na ginamitan ng MACRO (malalaman nyo mamaya)

PERO!!! ang pinagawa sa amin ay isang bersyon para sa STAYBRIDGE SUITES (na hawak din ng Intercon, kasama ng Crowne Plaza, Holiday Inn at sangkatutak pa na hotel brands). Gagawa kami sa MACRO ng Excel, na nangangailangan ng pag program o pag sulat ng codes. AYOS! (seryoso ako ha! sa Kurso ko ay nag program ako)

bagamat ngayon lang ako gagamit ng Macro, may naintindihan naman ako sa mga code nila... pero di naging ganun kadali dahil madaming code na bago sa akin. Apat (4) kami dito sa proyekto na ito at masasabi ko na napaka ayos ng pag gawa namin.

simulan na...

mga unang linggo... inintindi namin ang proyekto, paano ito gumagana at ano ang pasikotsikot nito. madalas ay nag uusap kami at pinag hihiwalay ang mga nakatakdang gawain ng bawat isa

mga sumunod na linggo... ayos! hirap pala nito. sabi naman ng team manager namin na wag pilitin kung di namin kaya. Pero sa loob ko ay magagawan namin ng paraan ito.

at mga sumunod pa na linggo... Oo, kinareer ko itong pag gawa nito. may mga sandali na kinakausap ko na ang sarili ko (kasi ganun ako pag nag pprogram) at sabi ko sa mga kasama ko na kaya natin ito... may mga gabi din ako na nag iisip ng "fix" para sa mga bug o code na mali at ayaw gumana. may mga oras na imbis na magbreak ako at mag pahinga ay pinipilit ko na basahin at intindihin ang mga codes. haaaaaay! ganyan talaga

may 1 buwan na ang lumipas... ayos! may working program na kami at pwede nang ipasa sa gumawa ng orihinal na SRDT. sige pass na yan! matapos ang ilang araw ay nalaman namin na may mga mali pa sa aming ginawa... at kailangan na ayusin itong mga ito. sige, tuloy lang

lumipas nanaman ang ilang linggo... at lumipas din ang mga araw na walang break... at lumipas din ang ilang gabi na bukod sa pag iisip kay Mahal ko :-) ay iniisip din ang tamang "fix" sa "bugs"... lumipas ang weekend na SRDT pa din ang iniisp... ayan lumipas na ang lahat at buti ay natapos na namin at ayos na lahat sa proyektong ito...

ipinasa ulit namin sa gumawa...


ETO ANG SAGOT NG ILANG BOSS NAMIN...

may iba sa kanila na hindi naiintindihan ang SRDT na gawa sa Excel, kasama na dito ang mga unang bersyon nito (bersyon para Holiday Inn, Holiday Inn Express at Crowne Plaza, sa amin ang bersyon ng Staybridge Suites at kung matagumpay ay gagawa din kami para sa InterContinental Hotels)

... hindi pala nila naintindihan ito pero pinagawa kami ng isa, matalino diba!

... balak nila ilipat sa MS Access ito pero pinagawa kami ng isa, mahusay diba!

... pinagawa nila kami dahil umalis na sa grupo namin ang gumawa ng mga orihinal nito, GREAT!


ayan, matapos ang ilang oras, ilang araw at gabi, ilang linggo at ilang buwan na pag iisip... napunta sa wala ang gawa namin

ganun nalang?

Oo ganun nalang